Kinumpirma ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang malaking pagbawas sa presyo ng construction materials ng DPWH.
Ito’y matapos lagdaan ng kalihim ang memorandum order na nag-aatas ng agarang paggamit ng mas mababang presyo sa paghahanda at pagsusuri ng mga gastusin sa lahat ng proyekto ng ahensya.
Ayon kay Secretary Dizon, hindi lamang ipatutupad ang bagong construction materials price sa mga proyektong nakapaloob sa 2026 budget, kundi pati na rin sa mga proyekto sa ilalim ng 2025 budget na hindi pa naipo-proseso o nasa bidding stage pa.
Dagdag pa ni Secretary Dizon, layunin ng reporma na tiyaking makatarungan at makatotohanan ang costing ng mga proyekto ng gobyerno, at tinitiyak niyang hindi isasakripisyo ang kalidad ng mga proyekto sa kabila ng pagbaba ng presyo.




