Ika nga nila, love knows no age. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka. Katulad ng magkasintahan na ito sa Japan na hindi alintana ang kanilang 60-year age gap at proud na proud na ipinagsigawan sa mundo ang pagmamahalan nila na nabuo nang hindi inaasahan.
Kung paano nga ba nagsimula ang love story ng magkasintahan, eto.
Nasa kolehiyo pa ang 23-anyos na Japanese man na si Kofu nang una itong bumisita sa bahay ng 83-anyos na si Aiko na lola ng kaniyang kaklase nang hindi inaasahang ma-love at first sight ito kay Lola Aiko.
Ayon sa ulat, nag-internship si Kofu sa isang creative design company at nalalapit na ang graduation. Habang si Aiko naman ay dalawang beses ikinasal, may dalawang anak, at limang mga apo.
Bagama’t malaki ang agwat ng edad ng dalawa, hindi ito naging hadlang para mahulog din ang loob ni Aiko sa binata, pero ito rin ang mismong dahilan para mahirapan ang dalawa na i-express ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.
Mabuti na lang at nag-arrange ng trip to Disneyland ang apo ni Aiko para sa kanilang tatlo. Pero ang apo nito, biglaang nag-back out.
Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon si Aiko at Kofu na magkaroon ng alone time. At sa paglubog ng araw, habang nasa happiest place on earth, nakamit din ni Kofu ang kaniyang happiness dahil sa wakas ay nagkaroon din ito ng lakas ng loob na umamin kay Aiko.
Ang pagmamahalan ng dalawa, hindi hinadlangan ng sinuman at todo suporta pa ang kaniya-kaniya nilang mga pamilya. Sa ngayon, nagsasama na ang dalawa at ini-enjoy ang buhay sa piling ng isa’t isa.
Ayon kay Aiko, kahit na nalulungkot siya sa tuwing papasok sa trabaho si Kofu, nae-enjoy niya naman ang pagluluto ng pagkain para rito.
Sa isa namang pahayag, sinabi ni Kofu na hindi pa nila napag-uusapan ang pagpapakasal dahil sa ngayon, kuntento na ito na makasama at makita ang kaniyang girlfriend sa bawat pagsikat at paglubog ng araw.
Ikaw, mayroon ka bang kaparehas na kwento? Kung ganon, pwede mo bang i-share kung paano nagsimula ang love story niyo ng partner mo?



