Umapela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court matapos tanggihan ng Pre-Trial Chamber One ang kanilang hiling na interim release para sa dating pangulo.
Pagkumpirma ng lead counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman, isang linggo na ang nakalipas nang inihain nila ang apela, kasabay ng pagsabi na mali ang naging desisyon ng hukuman.
Magugunitang batay sa desisyon ng ICC, ipinaliwanag na kailangang manatili sa kustodiya ng hukuman ang dating pangulo, gayong itinuturing pa rin siyang flight risk na maaaring makaapekto sa proseso ng imbestigasyon.