Naniniwala ang political analyst na si Professor Froilan Calilung na hindi pogi points ang habol ng kasalukuyang administrasyon sa naging pagtanggap nito sa resignation ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay Professor Calilung, dapat ay noon pa tinanggal o pinag-resign si Bonoan habang matunog pa ang isyu sa kontrobersya sa flood control projects kung dagdag “pogi points” ang target ng administrasyong Marcos.
Ito pa lamang aniya marahil ang unang hakbang ng dating kalihim sa gitna ng patas na imbestigasyon ng Kongreso sa mga sinasabing anomalya sa flood control projects.
Sa kabila nito, umaasa si Calilung na may mananagot ding mga mambabatas at kongresista kahit sila ay kaalyado, kaibigan o kamag-anak ng Pangulo.