Pinalagan ng mga kongresista ang pahayag ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte na public relations o “PR stunt” lamang ang imbestigasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu ng katiwalian at maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., tanungin muna ni Mayor Duterte ang kapatid na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kung magkano ang nakuha nitong pondo para sa flood control projects.
Kataka-taka para kay Rep. Abante kung saan at papaano ginamit ni Cong. Pulong ang pondo dahil hanggang sa ngayon ay malaki pa ring problema ang pagbaha sa Davao.
Samantala, naniniwala si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na mas mainam kung umuwi muna sa Pilipinas ang alkalde dahil mahalaga ang presensya ng mga lokal na opisyal sa panahon ng kalamidad.