Itinanggi ng malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na amoy alak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanggapin ang kanyang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education.
Giit ni Palace Press Officer Claire Castro, malinaw na walang katotohanan ang mga paratang ni VP Sara at bahagi lamang ito ng propaganda upang siraan ang pangulo.
Aniya, patunay rito ang araw-araw na maagang paggising ni Pangulong Marcos para sa mga event at mahahalagang pagpupulong na nagpapakitang seryoso at masigasig itong nagtatrabaho.
Hindi aniya tulad ng ibang lider na tanghali na kung gumising at nagiging dahilan pa ng pagpupuyat ng media dahil kailangang maghintay nang matagal para sa coverage; o kaya’y dumarating ng alas-kwatro singkwenta y tres nang hapon sa Sona venue, kahit alas kwatro nang hapon ang nakatakdang oras ng talumpati.
Ipinunto rin ni Usec. Castro ang sinasabing pattern ng pagpapakalat ng maling impormasyon ng kampo ng duterte, kabilang na ang isyu sa pekeng Beverly Hills Police Report at ang viral na “polvoron video” na kalaunan ay napatunayang peke.