Ipinagbabawal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang “overloading” o pagsakay ng sobrang pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Batay sa inilabas na memorandum, labindalawa hanggang tatlumpu’t dalawang pasahero lamang ang pinapayagan sa mga traditional at modern jeepney habang limang nakatayong pasahero lang ang pinapayagan sa modern jeep.
Para naman sa mga bus, hindi dapat lumampas sa mahigit limampu na pasahero ang isasakay o sa itinakdang maximum capacity alinsunod sa manufacturer’s specification.
Papatawan naman ng multa, suspensyon ng lisensya, o pagkansela ng Certificate of Public Convenience ang mga sinumang nalalabag sa kautusan.