Home FEATURESMETRO PATROL Wes Gatchalian, inulan ng batikos online dahil sa viral na post ng LGBTQIA+ solo parent

Pagpapatupad ng expanded number coding scheme, suspendido muna bukas – MMDA

by DWIZ 882 August 28, 2022 0 comment
MMDA - NUMBER CODING SCHEME

Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, Agosto a-29.

 Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para bigyang daan ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani na isang regular holiday.

 Ibig sabihin ang mga sasakyan na nagtatapos sa 1 at 2 ang plaka na sakop ng number coding tuwing Lunes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region (NCR).

 Nabatid na nagsisimula ang naturang coding scheme tuwing alas-syete hanggang alas-dyis ng umaga at alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment