Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Tsansa ng hawahan ng Omicron variant, posible sa loob ng bahay

by DWIZ 882 December 17, 2021 0 comment
MYRNA CABOTAJE

Inihayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na malaki ang tiyansang magkahawahan ng Omicron variant sa loob ng bahay.

Ayon kay Cabotaje mas mabilis kasi itong naipapasa kung ikukumpara sa delta variant ng COVID-19.

Sinabi pa ni Cabotaje na mayroong 19% ang hawahan ng Omicron variant sa household kumpara sa Delta na nasa 8.5% lamang.

Sa naging pag-aaral ng isang laboratoryo sa United Kingdom, mas malaki umano ang tsansa na matamaan ng Omicron variant ang mga bata at mga matatandang unvaccinated.

Dahil dito, nanawagan si Cabotaje sa publiko na magpabakuna na upang maiwasan ang nakakahawang sakit. —sa panulat ni Angelica Doctolero

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment