Inihayag ng isang senador na dapat higpitan ang pagpapapasok ng mga dayuhan sa bansa kasabay ng sunod-sunod na kaso ng kidnapping.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senador Ronald Dela Rosa na dapat magkaroon ng salain nang maigi ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan bago papasukin sa Pilipinas.
Samantala, inamin din ng senador na nakukulangan pa ito sa angas na ipinapakita ng PNP.
Sinabi rin ng dating PNP Chief na dapat maging mas agresibo pa ang mga pulis upang magkaroon ng takot para sa mga kriminal. —sa panulat ni Hannah Oledan