Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Kamara wala pang desisyon kung ipagpapaliban ang Barangay at SK Elections

by DWIZ 882 July 27, 2017 0 comment
FARINAS
Aminado ang Kamara na hindi pa tiyak kung ipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre.
Ipinaliwanag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na hindi pa nakabubuo ng consensus ang Senado at Kamara para sa pagpapaliban dito.
Sa bahagi ng Kamara, sinabi ni Fariñas na marami ang pabor sa pagpapaliban ng halalan at magtalaga na lamang ang Pangulo ng mga officer-in-charge (OIC) sa mga mababakanteng posisyon.
Gayunman, taliwas anya ito sa Senado dahil hindi napapagkasunduan doon ang usapin ng hold over capacity ng mga incumbent barangay officials at kung papayagan ang pagtatalaga ng mga OIC’s.
Nakatakda ang Barangay at SK Elections sa Oktubre, pero nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ito at magtalaga na lamang mga OIC upang malinis ang narco- politicians sa barangay level.

- Meann Tanbio

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment