nba
SPORTS

NBA All Star Weekend inaabangan na

0 27

Excited na ang maraming basketball fans sa pagsisimula ng NBA All Star Weekend.

Ayon sa ulat, puno na ang mga hotel sa New Orleans, Louisiana kung saan gagawin ang iba’t ibang events.

Ilan sa inaabangan ay ang three point at slam dunk contest.

Maliban dito, magsisimula na rin bukas ang laro ng USA Versus World kung saan maglalaro ang NBA players mula sa US at makakalaban ang iba pang NBA players na mula naman sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Pangungunahan ni Golden State Warriors Head Coach Steve Kerr ang Western team na binubuo nina Stephen Curry, Kevin Durant, Anthony Davis, Kawhi Leonard, James Harden, Russel Westbrook, Deandre Jordan, Gordon Hayward, Klay Thompson, Draymond Green, Marc Gasol at Demarcus Cousins.

Habang si Brad Stevens ng Boston Celtics ang magiging coach ng Eastern Team All Star na pangungunahan nina Lebron James, Kyrie Irving, Demar Derozan, Jimmy Butler, John Wall, Carmelo Anthony, Paul George, at Isaiah Thomas.

By  Ralph Obina

More from Sports

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882

NEWS ARCHIVE


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnist in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.