Pumapalo na sa 54 ang mga bilanggo sa buong Region 4A na nasawi dahil sa sakit simula pa nuong Enero. Tatlumput siyam (39) dito ay mula sa Cavite Pito mula sa Laguna, Lima sa Rizal at Tatlo naman sa Batangas. Ngayong buwang ito naman ay dalawang bilanggo ang nasawi sa loob ng piitan sa Cavite at Rizal dahil sa sakit. Sa Cavite nasawi si Leonardo Manuel na nakakulong sa Bacoor City Jail matapos itong dalhin sa Las Piñas District Hospital dahil sa hirap sa paghinga. Ayon sa mga duktor na tumingin kay Manuel multiple organ failure, sepsis at tuberculosis ang sanhi nang pagkamatay nito. Dead on arrival naman sa Antipolo Provincial Hospital si Angelito Alday na nawalan ng malay matapos mahirapan sa paghinga. Sinabi ni Supt Chitdel Gaoiran, spokesman PNP Region 4A na ang masisikip at siksikang selda ang dahilan nang pagdami nang namamatay sa mga bilanggo. Halos 1000 bilanggo sa buong CALABARZON Region ang may tuberculosis at skin diseases. By: Judith Larino Mga nasasawing preso sa buong Region 4A dumarami umano dahil sa sakit was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post DOH pinag aaralan kung paano makapagbibgay ng ibayong medical services sa Ormoc next post Pagpapatawag ng LEDAC meeting hindi umano binabalewala ng Palasyo You may also like DILG Sec. Año negatibo na sa COVID-19 September 5, 2020 Tokyo Olympics, tuloy sa gitna ng COVID-19... January 24, 2021 Aiko itinangging siya ang papalit kay Sharon... June 25, 2018 Panalo ni Fil-Aus golfer Jayson Day itinuturing... August 18, 2015 Pagtanggal sa Edsa bus lane, iminungkahi ng... February 6, 2025 Manny Pacquiao nasa 80 porsyento nang nasa... June 7, 2018 Miss Universe 2018 Catriona Gray inaming hiwalay... February 23, 2019 Decommissioning process naaantala dahil sa pagkakabinbin ng... December 18, 2015 Taas singgil sa kuryente ngayong Nobyembre, aasahang... November 12, 2021 Paglikha ng EO para sa support program... December 26, 2017 Leave a Comment Cancel Reply