Halos 10,000 mga pulis ang ipakakalat ng NCRPO simula sa Sabado, October 29, sa mga sementeryo sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO director Oscar Albayalde, katuwang din nila ang pwersa ng MMDA, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, mga Local Government Unit, at mga volunteer.
Partikular na tututukan ng NCRPO ang mga bus terminal, mga paliparan, pantalan simbahan, at mga tourist destination at vital installation.
Target ng NCRPO na zero incident ang araw mismo ng Undas.
Panawagan ni Albayalde sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad para sa isang ligtas, maayos at mapayapang paggunita ng Undas 2016.
By: Avee Devierte / Allan Francisco