Patuloy ang panawagan ni Zamboanga City Mayor Maria Isabel Climaco sa punong tanggapan ng Bureau of Customs
Ito’y para imbestigahan ang pagkawala ng libu-libong sako ng mga imported na asukal na nakaimbak sa dalawang container van sa bodega ng Customs sa Zamboanga, limang araw matapos itong makumpiska
Ayon kay Mayor Climaco, hindi siya kumbinsido sa naunang report na ipinalabas ng Customs dahil hindi malinaw dito kung sino ang mastermind o kung may sabwatan bang nangyari sa pagkawala ng mga asukal
Batay sa report ng BOC, isang hindi pinangalanang babae na kawani umano ng Aduana ang siyang itinuturong responsable sa pangyayari
Bagay na ayon kay Climaco ay isang uri ng whitewash sa kaso dahil hindi kakayanin ng isang simpleng empleyado na gawin ang ganuong kalaking bagay
By: Jaymark Dagala