Desisyon na ng mga pribadong kompanya kung muling magpapatupad ng work-from-home arrangement sa kanilang mga manggagawa.
Ipinabatid ni Presidential Adviser for Entrepreneurship secretary Joey Concepcion na sa kanilang kumpanya tuwing Biyernes lamang ang work-from-home setup pero mula Lunes hanggang Huwebes ay kailangan pumasok sa opisina.
Ani Concepcion, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, kapansin-pansin ang pagbaba ng mobility o pagbiyahe ng mga tao kaya ang iba ay mas pinipili ang work-from-home.
Samantala, aminado si Concepcion na kapag nagpatuloy ang walang-tigil na oil price hike at iba pang pagtaas ng bilihin ay maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa.