Tutulong ang World Health Organization o WHO sa Department of Health o DOH para maresolba ang problemang idinulot ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, magpapadala sa bansa ang WHO ng lima hanggang pitong foreign expert sa Marso.
Kabilang dito ay ang mga epidemiologist, dengue expert, infectious disease experts, pathologists at iba pang ispesyalista.
Tutulong ang naturang grupo sa kanilang local encounter para sa evaluating at analysis sa mga kaso ng binakunahan.
Binigyang diin ng doh na ang WHO ang siyang magbabayad sa serbisyo ng naturang mga eksperto.
—-