Magiging maulan pa rin ang Ilocos Region at ang lalawigan ng Benguet dahil sa habagat.
Paminsan-minsang pag-ulan naman ang maaaring maranasan sa Cagayan Valley, Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cordillera.
Ang Metro Manila naman at iba pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa minsan ay maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ito rin ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.
Samantala, lalo pang lumayo sa bansa ang bagyong Nangka at tumutumbok nang pa-Japan.
Ngunit patuloy nitong hahatakin ang habagat hanggang Biyernes kaya sa weekend pa inaasahang gaganda ang panahon sa northern at central Luzon.
By Mariboy Ysibido