Binanatan ni Vice President Sara Duterte ang mga business groups na kumakalampag sa Senado upang agad nang simulan ang impeachment trial laban sa kanya upang maipakita anila ang accountability at rule of law sa bansa.
Ayon kay VP Sara, mayroon man o walang impeachment ay wala na talagang investor confidence kaya huwag aniya siyang gawing rason sa pangit na takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.
Hinamon din ng Bise Presidente ang mga business group na kung nais ng mga ito ng accountability, magsampa ang mga ito ng kaso sa mga korte.
Nabatid na kamakailan lamang ay naglabas ng magkakahiwalay na pahayag ang Makati Business Club, Financial Executives of the Philippines, at iba pang business groups na nagsasabing ang pagtanggi ng senado na ipagpatuloy ang impeachment trial ni VP Sara ay makaaapekto sa ekonomiya ng bansa.