Dumalo si Vice President Jejomar Binay at ilan sa miyembro ng UNA sa selebrasyon ng ika-70 kaarawan ni dating House Speaker Arnulfo Fuentebella sa Camarines Sur.
Sa pagdiriwang na ito, inihayag ni Fuentebella at ng iba pang malalaking angkan ng pulitiko sa probinsiya ang kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Binay.
Sinabi rin ni dating Camarines Sur Representative Luis Villafuerte na ang mga dating magkakalabang angkan nila, ng Alfelor, Fuentebella at Roco ay nagsama-sama na para suportahan ang bise presidente.
Kaya naman tila kumpiyansa si Binay sa suporta ng mga nasabing angkan pero mas maigi aniya na pakinggan na lamang kung paano ang mga ito’y magiging game changer sa eleksyon.
Noong 2010 elections, natalo sa probinsya si Binay kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas ng halos 40,000 boto.
Noong 2013 elections naman ay nakapagtala ng halos isang milyong botante sa Camarines Sur.
Samantala nang tanungin naman ang Bise Presidente kung ano ang kaniyang maitutulong sa Camarines Sur sakaling maging Pangulo, sinabi niya na nais niyang i-develop ang Bicol Railway Express System, pagtatayo ng airport, masaganang suplay ng tubig at ang climate change.
By Allan Francisco