Nakatakdang dumating sa bansa si Vice President Jejomar Binay mamayang alas-10:30 ng gabi mula sa kanyang 3 araw na pagbisita sa United Arab Emirates.
Nagpunta si Binay sa UAE, kasama ang anak na si Senadora Nancy Binay at iba pang tagasuporta upang bisitahin ang Overseas Filipino Workers (OFW’s) doon.
Sa kanyang tatlong araw na pagbisita, dinalaw ng bise-presidente ang mga OFW center at nangako ng tulong sa mga Pinoy lalo na sa mga distressed OFW’s.
Nakipagpulong din si Binay kay Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan at UAE Labor Minister Shaqr Ghobash.
Layon din anila ng naging pagbisita roon ng pangalawang-pangulo na tiyaking ligtas ang mga Pinoy sa UAE sa gitna ng nagaganap na tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.
By Meann Tanbio | Allan Francisco