Dapat maglabas na ang DepEd at DOH ng maayos na ventilation guidelines para sa ligtas na pagpapatupad ng face-to-face classes sa pampublikong paaralan simula sa November 2.
Ito ang panawagan ng Aral Pilipinas matapos makapagtala ng mga bagong XBB at XBC COVID-19 variants sa bansa.
Ayon kay Abbey Pangilinan ng Aral Pilipinas, ang maayos na ventilation guidelines ang simpleng solusyon upang magpatuloy ang pagpasok ng mga bata sa eskwelahan at maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Una nang nilagdaan ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. noong September 2 ang Executive Order para sa optional use ng face mask sa open spaces. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla