Nananatiling “manageable” ang kabuuang utang ng pamahalaan na umabot sa 16.68 trilyong piso sa pagtatapos ng Marso 2025.
Ayon sa Bureau of the Treasury, ito ay dahil sa pagpapatupad ng mahahalagang programa nang hindi kinakailangang magpataw ng bagong buwis.
Bahagya itong tumaas ng 0.31% mula sa naunang buwan, bunsod ng robust revenue performance sa unang kwarter ng taon.
Dagdag pa ng BTr, patuloy na lumalago nang mas mabilis ang ekonomiya ng bansa kaysa sa pagtaas ng utang, kaya’t nananatiling on-track ang pamahalaan sa fiscal consolidation nito.
Target naman ng gobyerno na ibaba ang debt-to-Gdp ratio nito na mas mababa sa 60% pagsapit ng 2028.