Nakarekober na ang kauna-unahang nagpositibo sa bagong subvariant ng Omicron na BA.4 sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos makumpleto ng naturang pasiyente ang kaniyang mandatory quarantine.
Ayon kay Dra. Alethea De Guzman, Hepe ng Epidemiology Bureau ng Deparment of Health, hindi umano bakunado at asymptomatic ang naturang pasiyente ng mahawaan ng COVID-19.
Napag-alaman din na tapos na ang naturang pasiyente sa kaniyang mandatory isolation nang matukoy ang tatlong household contacts nito na ngayon ay asymptomatic at fully vaccinated na rin.
Matatandaang ang unang kaso ng BA.4 subvariant sa Pilipinas ay isang Returning Overseas Filipino mula sa Qatar na nanggaling din umano sa South Africa kung saan, kinumpirma ng European CDC na ang BA.4 subvariant ay mabilis makahawa kung ikukumpara sa iba pang variant ng Omicron.