Nakatakdang ilabas ngayong buwan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang unang draft ng common telecommunication tower policy.
Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, sa ngayon ay binubuo na nila ito at nakikipag usap na sila as mga stakeholders hinggil sa naturang proyekto.
Paglilinaw ng kalihim, nagsasagawa sila ng stakeholders’ meeting kung saan ang lahat ng kanilang inimbitahan para sa proyekto ay kasama at lahat ay pwedeng magbigay ng suhestyon.
Ang common telco policy ay naglalayong gawing libre ang mga capital expenditures na ginagastos ng mga telco companies sa pagpapatayo ng kanilang mga telecommunications tower.