Aprubado na ng Food and Drug Administration ang kauna-unang bakuna laban sa avian influenza o bird flu sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., protektado ng bakuna ang mga manok at iba pang ibon laban sa H5N1 bird flu at velogenic Newcastle disease, dalawang malubhang sakit na mabilis kumalat at nagdudulot ng mataas na pagkamatay sa mga alagang hayop.
Maaaring iturok ang bakuna sa dibdib o ilalim ng balat ng mga sisiw na may sampung araw pataas, at inaabot ng hanggang dalawang linggo bago makuha ang ganap na proteksyon.