Mariing kinondena ng United Nations ang ethiopian airstrike sa isang kindergarten na umanoy pinagkukutahan ng rebeldeng Tigray Peoples Liberation Front (TPLF) na nagresulta sa pagkasawi ng apat na katao.
Dahil dito, nanawagan ang diplomats na wag idamay at gawing target ang mga sibilyan.
Itinanggi naman ng Addis Ababa, ang sentro ng Ethiopia, na kanilang binomba ang civilian area ng Mekele City, kung saan kanilang inakusahan ang TPLF na siyang nasa likod ng mga kaso ng pagpatay doon.
Pero ayon kay UNICEF chief Catherine Russell, mariin nilang kinokondena ang nangyaring airstrike sa kindergarten na ikinasawi ng ilang kabataan at ikinasugat ng iba pa.
Giit ni Russell, dapat nang matuldukan ang lumalalang armed conflict sa Northern Ethiopia dahil buhay ng mga kabataan at paghihinagpis ng bawat pamilya ang tanging naidudulot sa halos dalawang taon nang kaguluhan.