Bineberipika pa ng Malakanyang ang ulat na may napasok sa bansang 53,000-metric tons na mga toxic substance mula sa South Korea.
Ito lamang ang naisagot ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nang tanungin ukol sa naging ulat ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpasok ng toxic materials sa bansa.
Una nang iniulat ang naturang mga ahensiya ng gobyerno na naharang nila ang isang Liberian-flagged ship na may lulang phosphogypsum o substance na may radioactive elements.
Ibinababa na ang kargamento sa Cabangan, Zambales ang maharang ito ng mga otoridad.
Nakatakda umanong ideliver ang materyales sa San Mateo, Rizal.
Agad dinala sa NBI headquarters sa Maynila ang kapitan at mga tripulante ng naturang barko para imbestigahan.