Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Trump nasa Finland para sa pulong kay Putin

by DWIZ 882 July 16, 2018 0 comment
trump putin

Dumating na sa Helsinki Finland si US President Donald Trump, ilang oras bago ang kauna-unahang pulong nila ni Russian President Vladimir Putin ngayong araw.

Galing si Trump kasama ang asawang si Melania sa Scotland kung saan nanatili sila ng ilang araw sa pagmamay-ari nitong golf resort matapos naman ang pagbisita kay Queen Elizabeth.

Hindi naman idinetalye ng White House ang mga tatalakaying usapin ng dalawang lider.

Gayunman inaasahang itatanong ni Trump kay Putin ang isyu ng pakikialam umano ng Russia sa nakaraang halalan sa Estados Unidos.

—-

 

 

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment