Sinuspinde na rin ng pamunuan ng Youtube ang account ni outgoing US President Donald Trump nitong Martes matapos nitong labagin ang polisiya ng Youtube nang himuking magprotesta ang mga tagasuporta nito sa US Capitol laban sa pagsertipika sa pagkapanalo ni US President-elect Jose Biden.
Ayon sa pamunuan ng Youtube hindi muna pwedeng mag-upload ng bagong video o mag-live streaming si Trump sa loob ng isang linggo at maaari pa itong palawigin.
Pansamantala ring tinanggal ng Youtube ang comment section sa channel ni Trump at walang katiyakan kung kailan nila ito ibabalilk ayon sa pamunuan.
Batay sa panayam ng Reuters, ginawa ang aksyong ito kasunod ng banta ng US Civil rights group na pag-boycott sa Youtube kung hindi tatanggalin ng kumpanya ang youtube channel ni Trump.—sa panulat ni Agustina Nolasco