Matagal nang paniniwala na dapat kumain araw-araw ang isang tao sa agahan, tanghalian, at hapunan.
Pero ayon sa mga eksperto, hindi ito likas na pangangailangan ng ating katawan.
Dahil kapag tuluy-tuloy ang pagkain nang walang pahinga, napapagod ang katawan at tumataas ang panganib ng obesity, diabetes, at chronic inflammation.
Kaya isa sa mga pinakasimpleng paraan upang mapanatili ang magandang kalusugan, inirerekomenda ang intermittent fasting, gaya ng labing-anim na oras na fasting at walong oras na pwedeng kumain.
Gayunman, paalala ng mga eksperto na magpakonsulta muna bago magsimula ng fasting routine, lalo na sa may sakit.




