Nakapagtala ng 11 mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), lumobo na sa kabuuang 19,765 ang mga kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa higit 90 mga bansa at rehiyon.
Habang 6,534 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagamot sa iba’t-ibang ospital sa ibayong dagat.
Samantala, 14 naman ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa ibayong dagat, dahilan para lumobo ang kabuuang bilang nito sa 1,194.