Opisyal nang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations ang bansang Timor-Leste.
Ito’y matapos lagdaan ng mga lider ng mga bansang miyembro ng ASEAN ang Declaration on the Admission of Timor-Leste into ASEAN sa opening ceremony ng 47th ASEAN Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur Convention Center.
Ayon kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, kasalukuyang chairman ng ASEAN, ang pagiging miyembro ng Timor-Leste ang kumukumpleto sa “ASEAN family.”
Ang Timor-Leste ang ika-labing-isang bansang miyembro ng ASEAN, at kasama nito ang mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Nakamít ng pinakabagong miyembro ng ASEAN ang kalayaan noong 2002 at inihain ang kanilang application para mapabilang sa grupo noong 2011.—sa panulat ni John Riz Calata




