Mainit na pagsalubong ang muling natanggap ni presidential front runner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos mula sa mga tagasuporta ng UniTeam sa kanyang pagbisita sa Lalawigan ng Bataan nitong nakaraang Huwebes.
Tilian at hiyawan ang lahat ng dumating si Bongbong sa headquarters ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) upang pasinayaan ang pagbubukas nito.
“Maraming salamat sa inyong pagpunta,” masaya niyang sabi sa mga taga-suporta.
Agad naman siyang tumuloy sa kanyang caravan kung saan libo-libong taga-suporta ang masayang-masaya na makita siya.
Hawak ang kanilang mga tarpaulin at banner, sigaw nila ay “BBM!” at “Bongbong may nanalo na!”
Umabot ng mahigit isang oras ang caravan bago siya tumigil pansamantala sa Cathedral Shrine Parish of Saint Joseph upang magbigay galang at mabasbasan ni Bishop of Balanga Diocese Ruperto Cruz Santos.
Ayon kay Bishop Santos walang kompetisiyon at paglalaban-laban sa kanilang simbahan kung hindi pagbibigay lamang ng proteksiyon sa taumbayan gaya ng utos ng Diyos.
“Maraming salamat na kung saan ang pagpasok niyo dito ay pagkilala hindi sa tao kundi pagkilala sa Diyos. Ang pagpasok niyo dito ay pag-aalay sa Diyos mismo,” ayon kay Bishop Santos.
Matapos nito ay tumuloy na siya sa kanyang grand rally sa Bataan People’s Center napunorin ng mga taga-suportang suot ang kulay ng UniTeam na pula at berde.
Inalala ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman ang mga proyekto na ibinigay ni former President Ferdinand Marcos na naging malaking tulong sa buong lalawigan, gaya ng Freeport Area of Bataan, Roman Superhighway, at Mt. Samat Shrine.
“Bataan is both Marcos and Duterte country. Hindi po namin kailangang umasa sa haka-haka o survey. Ito po ay napatunayan na nung nakaraang halalan,” sabini Roman.
“Hindi na ako nabubulag na minamahal kayo dito. When I look at you and Inday, I vision a bright future for the country,” dagdag pa nito.
Bago ang talumpati ni Bongbong ay pinakilala siya ni Gob. Albert Garcia bilang isang lider na magbubuklod ng buong sambayanan.
“Buong probinsiya ng Bataan, winindang ni BBM-Sara UniTeam. Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong lahat talagang ang buong lalawigan ay lumabas para batiin ang ating bisita lalong-lalo na ang susunod nating pangulo ng republika,” sabi ni Garcia.
Ayon kay Garcia, ang Bataan ay may “tatak at bakas” ng Marcos.
“Kaya hindi nakapagtataka kung ang buong Bataan ay para kay Marcos. Nakita natin ito nung 2016 at sigurado po pagdating ng Mayo ipapakita muli ang suporta kay president at magiging pangulo po natin na si BBM,” sabi ni Garcia.
Dagdag pa ni Garcia, tumatagos sa puso ng mga taga-Bataan ang mensahe ng UniTeam na pagkakaisa.
Masigabong palakpakan at hiyawan ang inihandog ng mga taga-Bataan kay Bongbong kung saan nagpasalamat siya sa hindi pag-iwan ng mga ito sa kanya simula pa noon.
“Salamat sa pag-alala sa lahat ng ginawa ng aking ama dito sa Bataan. Nagpapasalamat din ako sa inyo at napaka-init po ng pagsalubong niyo sa akin,” wika nito.
“Mula sa simula hanggang sa ngayon, ang Bataan ay hindi iniwan ang mga Marcos,” dagdag pa niya.
Sabi ni Marcos, patuloy ang UniTeam sa pag-iikot sa buong bansa upang ipamalita ang mensahe ng pagkakaisa ng kanilang tambalang UniTeam.
Nagkaroon din ng maikling meet and greet si Bongbong sa mga lokal na alkalde ng Bataan kung saan pinasalamatan niya sila sa suportang kanilang binibigay para sa mga Pilipino.
“It’s a very important sign of what we are talking about — the message of unity,” wika niya.