Natapos na ang hindi magandang kondisyon ng ekonomiya ng bansa.
Ayon ito kay Finance Secretary Benjamin Diokno kaya’t asahan na ang pagganda ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon kung kailan posibleng pumalo sa 7% ang growth rate.
Sinabi ni Diokno na positibo sila sa pagbilis ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga pangambang pagbagsak ng ekonomiya ng ibang bansa at maging ng recession.
Binigyang diin ni Diokno na mahihigitan ng Pilipinas ang target expectations sa ekonomiya ngayong taon.