Abiso sa mga motorista!
Matapos ang ilang sunod na taas-presyo, asahan na sa susunod na linggo ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa pagtataya ng UniOil Petroleum Philippines, posibleng bumaba sa P2.90 hanggang P3.00 ang tapyas sa presyo kada litro ng diesel.
Habang P0.40 hanggang P0.60 kada litro naman ang mababawas sa kada litro ng gasolina.