MAY nakaamba na namang oil-price hike sa susunod na linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, inaasahan na ang gasolina ay may P0.50 hanggang P0.60 kada litrong taas-presyo.
Nasa P0.90 hanggang P1 naman ang posibleng magiging dagdag-presyo sa diesel habang P0.80 hanggang P0.90 sa kerosene.
Sinasabing ito na ang ikalawang sunod na price hike sa mga produktong petrolyo.