Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng pagtaas ng presyo ng gulay sa mga pamilihan dahil sa masamang panahon.
Partikular dito ang mga gulay na kinukuha mula sa Benguet.
Ilan sa gulay na posibleng magtaas ng presyo ay ang repolyo na sisipa sa P16 hanggang P18 ang kada kilo mula sa P12 kada kilo.
Posible ring tumaas ang presyo ng seafood sa mga merkado sa Metro Manila maliban sa Balintawak Market sa Quezon City na hindi apektado ng masamang panahon.
Hindi naman nagbabago ang demand sa karneng baboy sa kabila ng pag-akyat sa P320 kada kilo ng presyo nito.