Naglunsad ng bagong opensiba ang Syrian military laban sa mga rebelde sa Aleppo.
Pinulbos ng mga fighter jet ng militar ang mga nakaposisyong rebelde sa lungsod.
Tinatayang nasa 13 katao ang napaulat na nasawi sa naturang pag-atake.
Matatandaang nabigo nitong nakaraang araw ang Estados Unidos at Russia na magkasundo sa panukalang muling pagbuhay sa gumuhong tigil putukan sa Syria.
By Ralph Obina
Photo Credit: AP