Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Kasunod na rin ito nang unti-unting pagkaubos ng food supplies para sa mahigit 3,000 evacuees na nananatili sa Surigao del Sur Sports Center sa Tandag City.
Ayon kay Governor Johnny Pimentel hanggang sa susunod na buwan na lamang tatagal ang food packs nila para sa evacuees mula sa 27 tribal communities sa 5 bayan ng lalawigan.
Kasabay nito, binigyang diin ni Pimentel na hanggat hindi nawawala ang grupong Bagani Force na responsable sa pagpatay sa Lumad leaders ay hindi magiging payapa ang Surigao del Sur.
Lumalawak pa aniya ang kaguluhan dahil hindi natitigil ang pagpatay sa kanilang bayan na ang pinakahuli ay isang team leader ng police patrol ng Cortes Municipal Police Station na tinambangan ng mga rebelde habang nagpapatupad ng police visibility.
By Judith Larino