Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tuluy-tuloy na suporta ng pamahalaan sa hanay ng mga nasa local food at beverage industry.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos pangunahan ang inagurasyon ng isang planta ng harina sa Sariaya, Quezon.
Binigyang-diin ng Pangulo na kinikilala ng pamahalaan ang papel ng mga ito upang mas makausad pa ang socio-economic growth ng bansa.
Sa pamamagitan aniya ng private partners ng pamahalaan, lumalakas din ang farm productivity na nakakatulong din sa mga maliliit na negosyo at food security ng bansa.
Bukod dito, tiniyak din ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang paglikha ng supportive environment sa pribadong sektor, sa pamamagitan ng mga kasunduan na magtataguyod sa interes ng manufacturers at consumers. - sa panulat ni Hya Ludivico