Nananatiling sapat ang suplay ng isda sa Pilipinas.
Sa kabila ito ng sunod-sunod na pananalasa ng bagyo gaya ng Paeng, Obet at Queenie.
Ayon kay Joseph Borromeo, National President ng Philippine Association of Fish Producers Inc., napaghandaan ng sektor ng pangingisda ang pagdating ng mga bagyo.
Gayunman, nanawagan si Borromeo na ayusin ang supply chain ng isda sa bansa para bumaba ang presyo nito.
Sa ngayon, batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 6.2 billion pesos ang iniwang pinsala ni Paeng sa sektor ng agrikultura.