Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na bukod sa asukal ay may kakulangan na rin sa suplay ng asin sa bansa.
Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban ito ang rason kung bakit naglagay sila ng 100 million pesos sa 2023 national budget upang mapabuti ang produksyon ng asin sa bansa.
Dagdag pa ni Panganiban, umaangkat pa rin ng asin ang Pilipinas ngunit hindi niya sinabi ang dami ng asin na inaangkat.
Samantala, nilinaw din ng opisyal na hindi isinama ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kanilang panukalang budget ang pondo para sa produksyon ng asin.