Laglag sa kamay ng mga awtoridad ang sinasabing misis ng isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group sa Jolo, Sulu.
Pahayag ng Joint Task Force Sulu, ang umano’y asawa ni ASG Sub-Commander Mundi Sawadjaan ay nahuli sa isang bahay sa Barangay Bus-bus.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang granada, dalawang bote ng ammonium nitrate fuel oil, dalawang piraso ng detonating oil, at isang safety fuse na pinaniniwalaang sangkap sa paggawa ng pampasabog.
Hawak na ng Jolo Municipal Police Station ang hindi pinangalanang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act.