Binabantayan ng PHIVOLCS ang dami ng ibubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal kasunod ng pagputok nito.
Ayon kay PHIVOLCS Executive Director Undersecretary Renato Solidum, nakaalpas na ang sulfur sa Bulkang Taal na maaaring maging mapanganib oras na mahalo sa hangin at mabuong abo.
Sinabi ni Solidum, delikado ang abo na may sulfur lalo na kung madami ang malalanghap sa mahabang panahon na magreresulta naman sa pagkahilo at iba pang problema sa kalusugan.
Habang makakapagdulot din ito ng pangangati sa balat.
Nitong Lunes, Enero 13 pumalo sa 5299 tonnes per day ang naitalang sulfur dioxide na ibinuga ng bulkang taal.