Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na kasalukuyan siyang naka-quarantine matapos tamaan ng COVID-19 ang isa sa mga staff ng DOH.
Sa Talk to the People kagabi, tiniyak ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa naman siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19 at umaasang magiging negatibo ang resulta ng test mamaya.
Inihayag naman ni Pangulong Duterte na malaking kawalan sa gobyerno kung magkasakit ang kalihim lalo’t ito ang pangunahing nakatutok sa pandemya.