Magtataas ng kontribusyon ang Social Security System o SSS oras na maisabatas ang 100-day maternity leave.
Naka-ambang taasan ng tatlumpung piso (P30) ang kontribusyon ng mga SSS members na kumikita ng nasa sampung libong piso (P10,000) habang apatnapu’t walong piso (P48) naman na dagdag para sa mga kumikita ng labing anim na libong piso (P16,000) ataas.
Ayon kay SSS Vice President for Media Affairs Ma. Luisa Sebastian, bagamat sinusuportahan nila ang pinalawig na maternity bill, dapat aniyang maging malinaw ang batas kung saan huhugutin ang pondo para dito.
Paliwanag ni Sebastian, oras na maging 100 araw ang maternity leave, lolobo sa P5.3 billion ang kakailanganing bayarang benepisyo ng SSS mula sa dating P3.5 billion lamang.