Asahan na ang 75 Sentimos na pagtaas sa singil sa kada kilowatt hour na kuryente ng MERALCO o Manila Electric Company ngayong buwan.
Ito’y makaraang payuhan ang MERALCO ng ERC o ng Energy Regulatory Commission na huwag ipataw ng isang bagsakan ang dagdag singil na dapat sana’y nasa P1.08 sentimos kada kilowatt hour.
Dahil dito, sinabi ni MERALCO Utility Economics Head Larry Fernandez na sa Marso pa nila ipatutupad ang karagdagang 33 sentimos na singil sa kuryente.
Paliwanag ng MERALCO, nagkaroon ng dagdag singil sa kuryente dahil nagmahal din ang kinukuha nilang enerhiya mula sa mga planta at suplayer nito tulad ng WESM o Wholesale Electricity Spot Market.
Isama na rin diyan ayon kay Fernandez ang malikot na palitan ng Piso kontra Dolyar at ang ipinapataw na dagdag na Value Added Tax sa transmission charge dulot ng bagong tax reform measures ng gubyerno.
Posted by: Robert Eugenio