Inilarga na sa Makati City ang simulation ng face-to-face classes sa pangunguna ng Comembo Elementary School simula nursery hanggang grade 3.
Ito’y bilang preparasyon para sa pagbabalik ng limited face-to-face classes na aarangkada sa Lunes, Disyembre 6 sa gitna ng COVID-19 pandemic at banta ng Omicron variant.
Kabilang ang Comembo Elementary School sa mga napili ng Department of Education sa Metro Manila na magsasagawa ng limitadong face to face classes.
Naglagay na ng mga temperature scanners, alcohol dispensers, foot baths, UV lights at naglalakihang air purifiers sa naturang paaralan bilang bahagi ng public health at safety protocols.
Nag-deploy din ang Makati LGU ng “Dyipni Maki” upang ligtas na makabiyahe ang mga estudyante at guro mula sa mga malayong lugar. —sa panulat ni Drew Nacino