Itinaas na ng PAGASA sa signal no. 1 ang Davao Oriental at silangang bahagi ng Davao de Oro dulot ng patuloy na paglakas ng bagyong Auring.
Ito ay batay sa weather bulletin ng PAGASA nitong 11pm ng Huwebes, Pebrero 18.
Kung saan kabilang ang mga lugar ng Pantukan, Maragusan, Compostela, New Bataan,na nasasakupan ng Eastern Davao de Oro.
Ayon sa PAGASA, posible rin aniyang itaas sa Signal No. 1 ang mga lugar sa Caraga at Davao Region sa susunod na weather bulletin mamayang ala-5 ng umaga.
Habang signal No. 2 naman anila ang posibleng pinakamataas na signal na itaas.—sa panulat ni Agustina Nolasco
SEVERE WEATHER BULLETIN #4
FOR: TROPICAL STORM “#AuringPH” (DUJUAN)
TROPICAL CYCLONE: WARNING
ISSUED AT 11:00 PM, 18…Posted by Dost_pagasa on Thursday, 18 February 2021